BCCPAM000R00-1-07p134d0000000
— 30— hong na nang camatayan. Caraca-raca,i, napuspos ang puspos ang puso nang caniyang ina nang isang to-' toong huháy na pananampalataya, na ipinagcacamit nang milagro, at binalot niya ang bata nang caniyang de-i lantal ó pinacatapis at patungo sa yungib. Capagda-! ting doon ay maniclohod at nanalangin sa boo niyang' puso, saca lumacad nang palohod hangan sa maliit na tanque nang batis, inilubog siya doon nang cani yang ina, na di nalumána na ang tubig ay halos na mumuo sa calamigan, at pinabayaan niya doon na ma. lapit-lapit sa isang cuartong horas. Saca ang caniyang anac ay muling inilagay niya sa caniyang delantal, at nang dumating na sa bahay ay inahiga niya sa; duyan. Nang naroroon na,i, ang uica nang ama,i, «Tingnan mo, aniya,t, patay na.» «Hindi, ang sagot nang ina; isasauli sa atin buhay nang mahal na Vírs gen » Totoong madaling mahalata nilang humihinga,t, natutulog na mahimbing at matahimic; at sa catunaya ay sa quinabucasan ay mabuti na. : Ang himalang ito,i, sinundan agad -nang iba pang marami. Naquita ni Blas Maumus, fondista sa Lour: des, na gumaling at nauala ang ¡sang malaquing lo banillo sa caniyang camay dahil sa tubig sa batisi Ang isang bauong babayi, na ang apellido,i, Crozal na may dalauáng puo nang taon bingi,t, di nacariri nig caunti man, ay dahil sa paggamit nang mapag himalang tubig sa batis ay gumaling at nacarinig. Augusto Bordes, na malaon nang panahong pila , dahil sa isang nangyari sa caniya, ay sa tubig ding ito,i, naquita niyang gumaling ang caniyang paa. Ang manga himalang ito na nacabubuhay nang lale at lalo sa pananampaiataya nang manga binyagan; ay totoong caiba naman ang nangyari sa loob nang manga puno sa Administración. Ang prefecto sa Tars e
Made with FlippingBook
RkJQdWJsaXNoZXIy NDA3MTIz