BCCPAM000R00-1-07p134d0000000
Rdo. Peyramale ay cusang napatungo sa Tarbés at ipinahayag ang manga nangyayari sa Monseñor Lau- rence, at inacala nito caraca raca na huag gumaua nang anomang bagay, cundi ang pasimula nang isang in- formacióng ayon sa derecho. Nang 4 nang Marzo ay siyang catapusang arao nang quincena milagrosa ó icalabing limang arao nang manga milagro at nagcataon sá tiangui sa Lourdes. Magmula sa pagbubucang liuayuay, ay naroroon sa malapit sa yungib ang mahiguit sa dalauarg libong tauo, at ua: lang tahan nang pagdating pa. Capagdating doon ni Bernardita, ay naniclohod at ang lahat ay naniclohod náman. Agad nagcaroon nang éxtasis, Napatungo siya sa batis at umiinom nang tubig, na ang paglacad niya,i, palohod at humalíc siya sa lupa sa icapagbabalic loob nang manga macasala- nan. Sapagca,t, siyang cátapusan arao, ay inaantay cung magcaroon nang anoman cababalaghan; data- pua,t, ualang nangyayaring anoman. Si Bernardita,i, tumangap nang utos sa mahal na Vírgen na siya,i, magsalita pa sa manga Sacerdotes at humingi nang santuario at procesión. Ipinagmamacaaua sa Señora na sabihin sa caniya ang caniyang ngalan; datapoua,t, hindi siya sinagot. Ang- pagpapaalam nang mahal na Vírgen ay to: toong iquinapighati ni Bernardita; sinasasabi niya sa caniyang loob na sarili na marahil ay hindi na paqui- quita sa caniya, na totoong iquinaliligaya,t, quinapa- guiguing mapalad niya. Ang inaantay na cababalaghan sa horas nang pag- papaquita ay nangyari sa quinahapunan nang arao ring yaon. , Ang isang bata na dadalavang taon, anac nang isang maralitang mag:asaua sa Lourdes, ay dinadaly»
Made with FlippingBook
RkJQdWJsaXNoZXIy NDA3MTIz